Abante Tonite Interactive

Dating sikat na singer binabarat ang TF

By
2,005

Nakakaawa pala ang kapalaran ng mga dating sikat na Pinoy singer na ngayon ay nakikipagsapalaran o tuluyan nang naninirahan sa Amerika. Ayon sa aming very reliable source, hindi raw totoo na maganda ang lagay ng mga dating sikat na singer kung pag-uusapan ang kanilang career sa Tate.

Bagama’t nababalitaan natin na madalas silang nagpi-perform sa iba’t ibang venue, ang talent fee nila ay milya-milya pala ang layo kumpara sa mga performer na siyang inaabangang makita ng mga Pinoy sa Amerika.

Kapag minalas-malas pa raw, binabarat pa nga sila sa bayad, minsan ay natatakbuhan pa ng prodyuser o promoter ng show. Isang halimbawa umano ay ang dating sikat na lead vocalist ng isang kilalang banda. Kamakailan ay naglabas ito ng sentimyento sa kanyang Facebook account kaugnay sa pambabarat sa TF nila ng ilang show promoter.

Ang masama pa, binarat na nga, sa bandang huli ay siya pa ang sinisi kung bakit nag-flop at hindi tinangkilik ang kanilang show. Kaya talagang bad trip sa pangyaya­ring ito ang singer.

Dahil sa insidenteng ito, na-trauma ang singer at nangakong never nang papatol sa mga nagpoprodyus ng show na maliit na nga ang TF, maliit pa ang venue na pinagtatanghalan.

Ayaw raw niyang masayang ang kanyang talento kung mga balasubas na tao ang kukuha ng kanyang serbisyo.

Ang naturang singer ay sumikat nang husto noong late 90’s kasama ang kanyang banda. Nakarelasyon niya noon ang isang singer/actress, pero naghiwalay rin sila ng landas.