Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating SMB import ligtas na

0 132

Nakalabas na ng intensive care unit si dating PBA at NBA player Cedric Ceballos matapos ang ilang linggong pananatili roon.

Nakakalakad na ring mag-isa ang naglaro noong 2003-04 sa San Miguel Beer at naka-11 season sa NBA sa Suns, Lakers, Mavericks, Pistons at Heat.

Sa social media nagbigay ng update si Ceballos Huwebes hinggil sa pakikipaglaban niya sa COVID-19.

Higit dalawang linggo rin siyang naka-intubate. Sa unang post noong Sept. 13, sinabi ng 52-year-old at 6-foot-7 American na ‘COVID-19 free’ na siya.

“I am officially out of the ICU unit, but not out of the hospital. Walked on my own yesterday, struggled but got through it. Lungs strong enough so still need assistance there…road will be tough and long but I am up for it,” tweet ng 1995 NBA All-Star forward. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.