Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating sports writer nagpasaklolo sa NBI

0 106

Isang dating mamamahayag na ngayon ay general manager ng isang construction firm ang nagpa-blotter sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) dahil sa death threats na kanyang natatanggap mula sa kanyang dating ahente at tatlong dating empleyado na sinibak dahil sa umano’y katiwalian.

Sa reklamo sa NBI at CIDG ni Virginia Rodriguez, dating sports writer ng Manila Bulletin, mula ng sibakin niya ang mga suspek ay pinagbabantaan na umano siya na papatayin.

Isa pa aniya rito ay kumuha gunman at nagbigay ng paunang bayad na P100,000 upang siya ay ipatumba bukod pa sa sinisirahan ito sa mga taong kakilala niya sa gobyerno upang sila ang makapagpatuloy ng mga proyekto matapos nakawin ang ilang dokumento sa kompanya.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Rodriguez, may mga ebidensya siya hinggil sa plano umanong pagpatay pagpatay at paninira sa kanya.

Aniya, mula nitong nakaraang linggo ay mayroong mga kotse na umiikot sa kanyang bahay upang manmanan siya, at mayroon din mga kahina-hinalang mga sasakyan ang sumusunod sa kanya tuwing lumalabas ng bahay.

Bukod sa pagpapablotter sa NBI at CIDG ay nakatakda ng magsampa ng kaso sa korte sa Las Pinas si Rodriguez laban sa mga suspek.

Ayon kay Atty. Joel Diokno, abogado ni Rodriguez, isasampa nila sa korte ang kasong grave threats, slander at cyber libel laban sa mga suspek na papangalanan sa sandaling maisampa ang kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.