Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating sundalo nanghuthot sa alkalde, nabisto

0 54

Inaresto nitong Huwebes ng mga pulis sa entrapment operation ang isang dating sundalo sa North Cotabato na sumubok mangikil ng pera mula kay Pikit Mayor Sumulong Sultan.

Sa report, kinilala ni Maj. Maxim Peralta, police office chief ang suspek na si Ryan Calayan Maborrang, 33, ng Barangay Gen. Luna, Carmen, North Cotabato, na matagal nang discharged sa military service.

Sa imbestigasyon, madalas tumatawag ang suspek at nagpapadala ng mga text message sa alkalde at nagpapakilalang si Col. Joel Limson ng pulis Soccsksargen.

Agad namang humingi ng tulong ang mayor kay Peralta para sa entrapment sa dating militar.

SM food to go Banner Ad

Pumayag si Maborrang na makipagkita sa alkalde at kuhain ang P50,000 na hinihingi niya kay Sultan sa likod ng municipal town hall sa Fort Pikit.

Agad siyang inaresto matapos na makuha ang bag na may laman na extortion money na 50 piraso ng boodle money. Nagpumiglas pa si Maborrang pero naaresto rin.

“He was asking P50,000 in exchange for police operations against my political opponents,” sinabi ni Sultan.

Nakadetine na ang suspek sa Pikit police lock-up cell habang inihahanda ang kasong extortion laban sa kanya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.