Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating sundalo yari sa illegal logging

0 52

Tumakas ang isang retired Philippine Army (PA) matapos mahuli sa aktong nagpuputol ng mga kahoy gamit ang chainsaw sa Brgy. Purag, Sinait, Ilocos Sur noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Sinait Police Station (SPS) ang suspek na si Carmilo Ramos Battad, 61, isang retiradong miy­embro ng PA at barangay kagawad ng Brgy. Namalpa­lan, Magsingal sa nasabing lalawigan.

Sa report, ayon sa SPS, nakatangap umano sila ng tawag mula sa cellphone at sinabing may kasalukuyang nagpuputol ng kahoy (illegal logging) sa Brgy. Purag.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, agad nagresponde ang SPS operation unit sa nasabing lugar ngunit noong makatunog, biglang tumakas si Battad sa hindi malamang direksyon.

Ayon sa awtoridad, iniwan ng suspek ang kanyang Isuzu truck na may plakang XGJ-663 at puno ng troso ng acasia, at ang chainsaw na ginamit sa pagputol ng kahoy.

Sa ngayon, nagsasagawa ng manhunt operation para sa ikakadakip ng suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.