Abante Tonite Interactive

Dating teammate ni Lebron nabaliw

666

Viral ngayon sa social media ang video ni former National Basketball Association (NBA) player Delonte West nang maispatang bukod sa pagiging busabos ay pinagbubugbog pa sa kalsada.

Bago ang insidente, taong 2016 ay may nauna na ring report hinggil sa pamamalimos ng 6-foot-3 guard dahil sa wala nang pera at matutuluyan.
Tuluyang nalugmok ang dating NBA journeyman nang magkadiperensya sa pag-iisip.

Naglaro ng 7 NBA season si Delonte. Una sa Boston Celtics tapos siyang maging 24th pick sa 2004 NBA draft nito. Nakapag-Cleveland Cavaliers at Dallas Mavericks din siya bago bumaba sa NBA G-League at mag-import player sa China.

Hinirit naman ng mga fan na saklolohan siya ng pamunuan ng NBA dahil naging parte rin ito at nakapag-ambag sa organisasyon.

@damani_givens: “Slim doing bad NBA need to offer him some help.”
“I can’t believe this is Delonte West. @NBA please help him,” dagdag ni @gfstarr:1.

Pinanapos ni @savageboston: “Holy shit. This is actually former NBA player Delonte West. This is sad man. Get this guy some help please. (Aivan Denzel Episcope)