Abante Tonite Interactive

Dating undersecretary, pinatos pati janitress

By
964

Ang petmalu pala sa chicks ng isang da­ting mataas na opis­yal ng malaking government department sa Intramuros, Manila.

Ayon sa aking bubwit, noong katindihan ng werpa ni Usec sa departamento ay ginawa nitong motel ang kanyang opisina kapag tapos na ang office hours. Style ni dating undersecretary, ipatatawag si janitress at magpapamasahe ng isang oras.

Pagkatapos ng isang oras na relaxing na masahe ay hot na si dating Usec at aalamin na niya kung nakauwi na ang mga empleyado at saka ipapa-lock ang pinto at gagawin na nila ni janit­ress ang favorite niyang extra service. Ang petmalu mo boy ginawa mong spa ang opisina mo.

Ayon sa aking bubwit, sumingaw din kalaunan ang extra ser­vice ni dating Usec at janit­ress nang gawin nilang motel ang tanggapan ng undersecretary.

Nalaman ito ng mga guard, janitor at janitress at kahit ng ilang empleyado sa departamento hanggang sa naging usap-usapan ang tulis ni da­ting Usec na pinatos kahit janitress.

Bago ka ba umalis sa ahensiya Usec ay nagawa mong ga­wing regular emplo­yee si janitress na madalas kang masahehin diretso­ sa paborito mong extra service?

Ngayon, wala na sa malaking government agency sa Intramuros si dating Usec. Consultant naman siya sa isang recruitment agency, ‘PR’ man o attack dog kapag may isyu o kontrobersya laban sa kompanya na minsan nang sumabit sa pagpapadala ng mga under aged worker sa ibang bansa.

Magaling maglihis ng isyu si dating Usec na magpapalutang ng ibang usapin para iyon ang pag-usapan at hindi ang kompanya ng kanyang boss.

Ang malaking departamento ng gob­yerno kung saan na­ging opisyal si dating Usec ay DOLE at ang pa­ngalan ni ‘janitress killer’ ay kahawig ng isang sikat na brand ng electronics.