Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dating UP cager timbog sa droga

0 475

Dinakip ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si dating University of the Philippines player Kevin Rae Astorga nang makumpiskahan ng umano’y high-grade marijuana at cocaine sa isang buy-bust operation sa Paranaque City nitong Martes ng madaling-araw.

Isinagawa ang operasyon makaraan ang ilang buwang surveillance ng PDEA katuwang ang Southern Police District at Paranaque police na ikinaaresto ni Astorga at apat pang tropa sa JEMP Building sa BF Homes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Astorga ay kabilang sa Fighting Maroons taong 2009 at nagsilbing team captain ng national youth team na lumahok at nagkampeon 4th SEABA Under-18 Championship 2004 sa Lucena.

Naglaro rin siya sa Philippine Basketball League (PBL) na Philippine Basketball Association Developmental League na kung saan nakasama si Alaska Milk forward Vic Manuel. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.