Abante Tonite Interactive

Dating vice mayor dinakma

0 400

Arestado ang da­ting vice mayor ng Lanao Del Sur na may warrant of arrest sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property matapos na matiyempuhan ng mga tauhan ng mga miyembro ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police (PNP-AKG) nitong Miyerkoles sa Quezon City.

Base sa ulat, si dating Lanao Del Sur vice mayor at municipal councilor Jeremy Guiab ay naaresto ng mga tauhan ng PNP-AKG sa Brgy. Loyola Heights sa nasabing lungsod nitong Miyerkoles.

Ang suspek ay may warrant of arrest sa nasabing kaso na inilabas ng Metropolitan Trial Court Branch 42 noon pang Mayo 2019.

Hindi naman idinitalye ng PNP-AKG kung paanong nagkaroon ng nabatid na kaso ang dating vice mayor.

Sa ngayon ay pansamantalang nakadetine ang suspek sa PNP-AKG detention cell sa Camp Crame at nakatakdang ilipat sa lugar kung saan inisyu ang nasabing warrant of arrest. (Edwin Balasa)