Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Datu swak sa PBA Draft

0 57

Nadagdagan ang ceiling sa 37th Philippine Basketball Association 2022 Draft sa pagsusumite ng application ni Fil-Am Keith Datu.

Nakalistang 6-foot-8 forward na huling naglaro sa Chico State sa California noong 2019-20 season.

Pinakamataas na ang 26-anyos na big man sa mga applicant.

Ang iba pang malalaki ay sina Brandon Rosser (6-7), JM Calma (6-6) at Justin Arana (6-5).

Kumakampanya pa si 6-9 Justine Baltazar sa La Salle Green Archers na lumalaban sa UP Fighting Maroons sa 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 Final Four. Interesado na rin siyang mag-pro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ini-extend hanggang bukas, (Sabado, Mayo 7), ang pagsusumite ng draft application sa PBA office sa Brgy. Baumpayan, Libis, Quezon City.

Isa pang Fil-foreign guard, si Kyle Toth, 29, ang susubok rin sa pro league.

Nakapaglaro na dati ang 6-1 playmaker sa Marinerong Pilipino noong 2018 sa PBA Developmental League Foundation Cup.

Nakatakda ang Draft sa Linggo, May 15 sa Robinsons Place sa Ermita, Manila. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.