Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Datung ni Daniel ‘di nilustay ni Karla

0 222

Nakakabilib si Daniel Padilla dahil at 25 years old ay nakapag-ipon na pala siya ng napakalaking halaga at hindi tulad ng ibang kabataang artista na kung saan-saan dinadala ang kinikita.

Sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan ay nagtsikahan sila ni Karla habang nagpapa-beauty sa kanyang clinic, kaswal na napag-usapan nila ang maraming bagay at isa na nga rito ang usaping pinansyal.

Natanong ni Dra. Vicky kung may komisyon ba si Karla sa mga earnings ni Daniel or kung binibigyan ba siya ng anak.

“Wala naman, ako lang nagha-handle lahat ng pera niya. Eh kasi kung ano ‘yung gastos namin, para rin ‘yun sa lahat, so importante, may natabi sa kanya,” she said.

Related Posts

Kung may bibilhin daw ang anak ay nagsasabi sa kanya since siya nga ang naghahawak ng pera nito pero hindi naman daw masyadong palahingi si DJ. Mga sasakyan at rubber shoes lang naman daw ang hilig ng aktor.

“Ngayon ang gagawin ko, siya na ang paghahawakin ko ng mga pera niya. Para maramdaman niya ‘yung feeling na pag nahawakan niya, tapos babawasan niya ng ganito kalaki, mararamdaman niya ‘yung feeling na ‘ay sayang.’ Hindi niya kasi hawak, eh. Kaya easy for him to say na ‘o ma, bayaran mo ‘to, o ma, may kukunin ako dito, o ma, ha?’ Ganu’n,” sey ni Karla.

DJ hindi magugutom hanggang magkaapo

She revealed na malaki na ang savings ng anak. “Meron na siyang savings na he’s good. At 35, he’s good, kahit hindi na siya magtrabaho hanggang apo niya. Nagtabi na tayo,” ani Karla.

Well, kung dapat papurihan si Daniel, dapat ding bigyan ng credits si Karla for raising her children well. Kung hindi naman dahil sa maganda niyang paggabay ay hindi rin lalaking matitinong

Leave A Reply

Your email address will not be published.