Abante Tonite Interactive

Datung ni Sarah ‘di malulustay ni Matteo

By
251

Naniniwala si Matteo Guidicelli na hindi kailangang maging sukatan sa isang relasyon kung sino ang mas mayaman o mas tanyag.

May mga nagsasabi na mas rich si Matt kumpara kay Sarah kaya ‘di malulustay ang kayamanan nito.

“For me, it should not be an issue and should not put a pressure. It should not be a competition. What matters is that you love each other,” sey niya.

Kilala si Matteo na galing sa nakaririwasang pamilya pero ayaw niyang isipin na ito ay isang pribilehiyo para sa kanya.

“I want to build my own life. My own future. I started to save when I was 16 eleven years ago. It’s not naman na you’re born with a silver spoon or you’ll be rich forever. In my case, I really want to work hard,” hirit niya.
Proud din si Matteo na nakakatayo na siya sa kanyang sarili na hindi na kailangang umasa pa sa kanyang mga magulang.

“I’m 28. I’m not depending on anybody else. I would say na I have invested my money properly. Ako rin ang nagbabayad ng bills ko since I joined showbiz,” pagmamalaki niya.

Katunayan, secure na ang future ni Sarah kung magdedesisyon itong pakasal kay Matteo pero ayaw niyang i-pressure ang Popstar Princess.

“Before pa naman naging kami, love na ni Sarah ang acting and singing. So, why deprive her? Ayokong i-hamper iyong growth niya as an artist. Tulad niya, I still have a lot of goals. A lot of personal goals that I want to achieve,” bulalas niya.