Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daulah Islamiyah inginuso sa pinasabog na bus

0 173

ITINUTURO ng mga militar ang grupong Daulah Islamiyah [DI] na siyang utak umano sa nangyaring pagpapasabog sa isang bus sa Koronadal City nitong Huwebes.

Sinabi ni Western Mindanao Command Spokesperson Maj. Andrew Linao, na base sa nakuha nilang inisyal na imbestigasyon, ang ginamit na IED o improvised explosive device ay karaniwang ginagamit ng DI sa pananakot nila at pambobomba.

Naniniwala si Linao na isa lang itong diversionary tactic, para mabaling ang atensyon na ginagawa ng militar sa kanilang focused military operations laban sa grupo.

May posibilidad din na bahagi ito ng tinatawag nilang mga “extortion activities” ng grupo para makalikom ng pondo.

Tiniyak naman ni Linao na hindi sila titigil sa paghahabol sa grupo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.