Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao City binaha sa matinding pag-ulan

0 17

Umabot hanggang beywang ang baha sa ilang lugar sa Davao City nitong Miyerkoles ng gabi kasunod ng pagbuhos ng napakalakas na ulan doon.

Hindi madaanan ng ano mang uri ng sasakyan ang national highway sa Laverna Hills dahil na rin sa naging taas ng baha.

Na-trap naman ang isang pamilya at kinailangan na saklolohan mula sa bubong ng kanilang bahay.

Base sa ulat, na-rescue sa Guillermo St., Phase 3, Laverna Hills ang naturang pamilya.

Bukod dito, nailigtas din ng Central 911 at mga rescue volunteer ang tatlo pang pamilya.

Ayon sa Pagasa, ang naranasang matinding buhos ng ulan ay bunsod ng monsoon trough na nakaaapekto ngayon sa ilang bahagi ng bansa. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.