Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao City maraming bagong kaso ng COVID

0 117

Nanguna muli ang Davao City sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Enero 18.

Ayon sa Department of Health (DOH) COVID-19 Case Bulletin No. 310, nakapagtala ng 2,163 bagong kaso ng virus infection samantalang dalawa lamang ang gumaling at 14 ang bagong namatay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, umakyat na sa 26,839 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa habang sumampa naman sa 465,988 ang bilang ng mga gumaling samantalang 9,909 na ang nasawi.

Sa kabuuan, nasa 502,736 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nanguna sa may mataas na kaso ng COVID-19 ang Davao City na nakapagtala ng 134 kasunod ang Cagayan, 100; 99 sa Quezon City; 93 sa Leyte; at 75 sa Cavite.

Leave A Reply

Your email address will not be published.