Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao City nanguna sa COVID case

0 199

Pumalo sa 438,069 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Sabado.

Sa tala ng Department of Health, nasa 1,733 ang bagong kaso ng tinamaan ng naturang virus.

Karamihan dito ay nagmula sa Davao City na may 162, sinundan ng Quezon City (92), Benguet (80), Rizal (70) at Laguna (66).

Samantala, nadagdagan naman ng 133 ang bilang ng gumaling dahilan para tumaas ang total na nakarekober sa 399,582. Habang nasa 8,526 naman ang death toll sa 17 bagong nasawi. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.