Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao City sementeryo, columbarium sarado ng 14 araw

0 88

Iniutos kahapon ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagsasara ng mga sementeryo at columbarium ng 14 araw mula October 24 hanggang November 7 kaugnay ng paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Kaugnay nito ay hinimok ni Mayor Sara ang mga Dabawenyos na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay bago October 24 at pagkalipas ng November 7.

“So pick any day, avoid the weekends because we expect that people will flock on weekends,”giit ni Mayor Sara.

SM food to go Banner Ad

Binanggit ni Mayor Sara na ang direktiba ay alinsunod sa inisyung Executive Order 52 na kanyang inisyu noong September nakaraang taon.

Inabisuhan din nito ang mga Dabawenyos na huwag dumalaw sa peak days, lalo na tuwing weekend upang maiwasan ang siksikan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.