Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao diarrhea outbreak sinisi sa tapioca, kwek-kwek

0 72

Kinumpirma ng Davao City Health Office (CHO) na nagmula sa pagkain ng street food tulad ng kwek-kwek at isaw ang dahilan ng diarrhea outbreak sa Davao City na ikinasawi ng anim na katao at pagkakasakit ng 217 residente.

Ayon kay CHO head Dr. Ashley Lopez, lumitaw sa kanilang rectal swab test sa mga biktima na ‘food-borne microorganism with vibrio cholera as the pathogen of concern’ ang dahilan ng pagkalat ng diarrhea sa lungsod mula noong Hulyo 15 hanggang 28.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi aniya tubig kundi tapioca at maruming street food, patikular ang kwek-kwek at isaw na itinitinda sa tiangge o night market sa Rasay St. at Toril Public Market. Karamihan aniya sa mga kritikal na kaso ang nakainom ng tapioca.

Natuklasan din ng CHO na 41% ng mga biktima ang kumain ng nasabing mga street food sa night market; 21% sa mga palengke at 38% sa iba’t ibang lugar. Tiniyak din ni Lopez na tapos na ang outreak sa lungsod dahil 163 pasyente o 75% ng mga biktima ang nakarekober na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.