Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao lubog sa abot dibdib na baha

0 149

INILIKAS ang daan-daang mga residente kasunod ng pagtaas ng baha sa ilang lugar sa Davao City na umabot pa hanggang dibdib ang lalim, kasunod ng patuloy na pag-ulan sa nasabing lugar.

Sa report, nangyari ito ng Biyernes ng gabi, kung saan sinuyod ng mga miyembro ng Team Davao Rescue ang Central Park at ang bahagi ng Bangkal na lubog sa baha.

Iniiisa-isa nila ang mga bahay para matiyak na walang maiiwan.

Sinabi naman ng Davao City disaster risk reduction and management office, na aabot sa 400 katao ang inilikas mula sa mga barangay ng Crossing Bayabas, Catalunan Pequeño, Sto. Niño, Talomo Proper, at Communal.

Paliwanag naman ng Pagasa, ang naranasang matinding buhos ng ulan ay bunga ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Hanggang kahapon ay humupa na ang baha. Sabado ng tanghali ay nagsibalikan na ang mga tao sa kanilang tirahan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.