Abante Tonite Interactive

Davao nanguna sa teacher board exam

443

Kinatuwa ng Department of Education sa Davao ang naging resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) matapos matagumpay na nakakuha ng mataas na marka at napabilang pa sa Top 10 ng pagsusulit.

“We are happy and our congratulations go to the educational institutions who molded them and the Commission on Higher Education (CHED) for this policy of professionalizing the teachers,” ayon kay Jenielito Atillo, tagapagsalita ng DepEd-11.

Sa resulta ng katatapos na LET na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), karamihan sa nakapasok sa Top 10 ay mula sa Davao region.

Kabilang dito si Stephanie Apple M Piodo ng Compostela Valley State College-Montevista na nanguna sa elementary level ng LET, nakuha ito ng 93.29 porsyento, habang si Honey Gracielle D. Baclayo ng University of Mindanao-Davao City naman ang nakasungkit ng unang puwesto sa secondary level at may 93.40 na rating.

Bukod kina Piodo at Baclayo, 13 iba pang LET passer ang mula sa rehiyon at napabilang sa Top 10 para sa elementary level habang sa secondary level ay mayroong 19 mula sa Davao ang mga topnotcher.

Sa tala ng ahensya, 22,271 ng mga kumuha ng LET ang nakapasa sa secondary level habang 19,659 sa elementary level. (PNA)