Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao night market blast: 7 akusado habambuhay kulong

0 71

Sinentensyahan ng habambuhay na pagkakulong ang 7 katao na nasa likod umano ng nangyaring pagsabog sa Roxas Night Market sa Davao City na kumitil sa buhay ng 15 katao noong 2016.

Kinatuwa ni City Vice Mayor Sebastian Z. Duterte ang desisyon ng Taguig Regional Trial Court Branch 266 laban sa mga akusadong sina TJ Tagabaya Macabalang, Wendel Apostol Facturan, Musali Mustapha, Jessy Vincent Guinto Original, Zack Haron Lopez, Jackson Mangulamas Usi, at Ausa Abdullah Mamasapano na “guilty beyond reasonable doubt for multiple murder and multiple attempted murder”.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa reclusion perpetua, inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng danyos sa pamilya ng 15 nasawi at 69 na nasugatan sa insidente.

“And if only the Philippines has a good anti-terror law, the kind of justice for the victims of that terror attack would have been even more meaningful not only to their families but also to the peace-loving Dabawenyos who want to ensure that their future is free from the threats of terrorism. Terrorism is real. And if we fail to do something to stop it, it will find its way to destroy us,” ayon naman sa pahayag ng bise alkalde.

Leave A Reply

Your email address will not be published.