Abante Tonite Interactive

Davao nilindol ng 5.4 magnitude

250

Niyanig ng 5.4 magnitude quake kahapon ang Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) alas-5:54 ng hapon nang maramdaman ang lindol na ang sentro ay sa bayan ng Jose Abad Santos.

Tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 190km.

Walang inaasahang pinsala mula sa pagyanig subalit makakaranas ng mga aftershock ayon sa Phivolcs.

May kalakasan ang lindol at naramdaman din ito sa ilang kalapit na lugar.

Intensity 3 sa General Santos City; Tupi at Polomolok, South Cotabato at Alabel, Saranggani habang Intensity 2 sa Maasin at Malapatan, Sarangani, Davao City at Intensity 1 sa Tampakan, South Cotabato. (Tina Mendoza)