Abante Tonite Interactive

Davao nilindol ulit

By
377

Muling nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng magkahiwalay na lindol sa Davao Oriental at Davao Occidental kahapon.

Ayon sa Phivolcs, ala-1:46 ng madaling-araw nang tumama ang lindol sa Davao Occidental. Ang sentro ng lindol na may lakas na 4.3 magnitude ay naitala may 396 kilometro sa lalawigan ng Sarangani.

Alas-tres ng madaling-araw naman nang tumama ang 3.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental na ang epicenter ay naitala sa bayan ng Manay.

Kapwa tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang inaasahang aftershocks at wala ding inaasahang ­pinsala.