Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao Occ, Davao Oriental magkabuntot na nilindol

0 166

Magkasunod na niyanig ng lindol ang Southern Mindanao kahapon kung saan 4.4 magnitude quake ang naitala sa Davao Oriental habang 3.9 magnitude naman ang tumama sa Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, alas-2:36 ng madaling-araw tumama ang 4.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental na ang sentro ay naramdaman sa bayan ng Manay. May lalim ito na 32kms at tectonic ang pinagmulan.

Alas-4:40 ng madaling araw naman nang tumama ang 3.9 magnitude quake sa Davao Occidental na ang sentro ay sa bayan ng Jose Abad Santos, may lalim na 119kms.

Walang inaasahang aftershocks sa magkasunud na lindol sa Mindanao at wala ding inisyung tsunami alert.

Your email address will not be published.