Abante Tonite Interactive

DAVAO ORIENTAL, NILINDOL!

By
9

Niyanig naman ng malalakas na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pinakamalakas na pagyanig kahapon ng gabi sa Governor Generoso.

Tumama ang magnitude 5.7 na pagyanig dakong alas-6:38 ng gabi at sinundan pa ito ng magnitude 5.1 pagkalipas ng tatlumpung minuto.

Bago ang malakas na lindol, magkakasunod na magnitude 4.2 at 4.9 ang naramdaman sa General Generoso at Tarragona, Davao Oriental.

Kaninang umaga simula alas-10:44 ng umaga hanggang alas-11:03 ng tanghali, muling niyanig ang bayan ng Governor Generoso ng magkakasunod na magnitude 4.4, magnitude 4.5 at magnitude 4.8 na lindol.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang sanhi ng mga paglindol sa Davao Oriental at sa kabutihang palad, walang naiulat na nasaktan o mga nasirang ari-arian.