Abante Tonite Interactive

Davao Oriental niyanig ng magnitude 6.3 lindol

156

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang katimugang bahagi ng Mindanao nitong Sabado ng hapon subalit wala namang napaulat na malaking pinsala, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and ­Seismology (Phivolcs).

Natukoy ang sentro ng lindol 14 kilometro ang layo mula sa Manay, Davao Oriental at may lalim na 28 kilometro.

Ramdam din ang pag-uga sa Davao City, may ­layong 250 kilometro sa epicenter ng lindol gayundin sa Davao del Norte, Compostela Valley at Davao del Sur.

Nagbabala ang Phivolcs sa mga mararamdamang aftershocks matapos ang malakas na lindol.