Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao, QC pinakamaraming bagong kaso ng COVID

0 108

Naitala ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa Davao City at Quezon City nitong araw ng Linggo, Enero 24.

Base sa COVID-19 Case Bulletin No. 316 ng Department of Health (DOH), sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso nitong Linggo, nanguna ang Davao City sa 99 bagong kaso kasunod ang Quezon City na mayroong 98.

Pangatlo ang Cavite sa 74 kaso, 73 sa Baguio City, at 63 sa Leyte.

SM food to go Banner Ad

Nakapagtala naman ng 1,949 bagong kaso kaya umakyat sa 513,619 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa buong bansa.

Nasa 7,729 ang bagong gumaling dahilan para umabot na sa 475,612 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus.

Mayroon namang 53 bagong namatay kaya umakyat sa 10,242 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.