Abante Tonite Interactive

Davao, Quezon City maraming kaso ng rape — PNP

By
708

Naitala ang pinakamaraming kaso ng rape sa Davao City at puma­ngalawa ang Quezon City sa second quarter ng taong kasalukuyan o mula Abril hanggang Hunyo 2018, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Base sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management, nakapagtala ng 42 kaso ng rape sa Davao City at pumangalawa sa listahan ang Quezon City na may naitalang 41 rape cases habang pangatlo ang lungsod ng Maynila na mayroong 32 kaso ng panggagahasa.

Sumunod ang ­Cagayan de Oro na may 24 na kaso nito at ang Zamboanga City na nakapagtala ng 21 rape cases.

Paliwanag naman ng PNP, karamihan sa mga naitalang kaso ng rape ay nangyari sa loob ng bahay kung saan ­mahina ang police ­control at batay lamang sa mga nakukuha nilang ulat.