Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davao, state of calamity sa baha

0 86

ISINAILALIM ang bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte sa state of calamity kasunod ng pagbaha sa lugar dahil sa mga malalakas na localized thunderstorms nitong dalawang linggo.

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang naturang resolusyon kung saan idinedeklara ang state of calamity batay na rin sa rekomendasyon ng municipal disaster risk reduction and management council (MDRRMC).

Ayon sa SB, ito ay para mas mabilis na magamit ang kanilang quick response fund na kanilang gagamitin sa disaster relief at rehabilitation efforts.

Sinabi naman ng LGU, na mahigit 8,000 pamilya ang naapektuhan ng baha.

Sa report, umabot naman sa P16M ang halaga ng nawasak na pananim at napinsalang mga hayop.

Nasa P3M naman ang danyos sa imprastraktura at kalsada. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.