Abante Tonite Interactive

Davao Task Force Haribon binuo

By
4

Sa layuning maiwasan na ang pagkakaroon muli ng marahas na pagsabog gaya ng naganap sa Davao City night market, binuo ng militar ang Task Force Haribon sa nasabing lungsod.

Layunin ng nasabing task force ang pagpapa­lakas at pagtiyak sa seguridad sa lugar.

Ito ay pormal na inilunsad noong Sabado mula sa kombinasyon ng Task Force Davao at Task Force Samal na pinangunahan ni Davao City Mayor Sa­rah Duterte.

Ang task force ay binubuo ng mga elite members ng Philippine Navy, Air Force at Special Ope­ration Force para matiyak na hindi na maulit ang naganap na pagpapasabog sa night market sa lungsod na kumitil sa buhay ng 15 katao at ikinasugat ng mara­ming iba pa.