Abante Tonite Interactive

Davaoeño steeplechaser-runner double gold sa Batang Pinoy

190

Dalawang gold medal ang agad na ini­uwi ni Aaron Gumban ng Sto. Tomas, Davao del Norte, wagi sa boy’s 13-15 5,000-meter run sa umaga at sa 2,000m steeplechase sa hapon sa athletics event ng 2019 Min­danao Qualifying Leg ng Batang Pinoy sa Davao del Norte.

Ito ay matapos na tuluyang okupahin ng defending champion Davao City ang lide­rato pagkaraan ng apat na araw na kompetisyon sa iba’t ibang lugar dito ng 20 sports sa loob at labas ng Davao Del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City.

Dinomina ng Durian Capital ang swimming, archery, arnis, taekwondo, karatedo at umagaw ng ginto sa dancesports upang angkinin ang kabuuang 27 gold, 21 silver at 39 bronze.

Abante Hiring – IT dep

Humihingang ika­lawa at ikatlo sa batok ng Davaoeños ang Koronadal City na napag-iwanan sa 18-9-6 at Davao Del Norte na may 17-15-13.

Limang gold ang iniambag ni Kristine Madeline Ibag sa archery habang nagtulong ang magkapatid na sina Liaa at Lora Micah Amoguis sa apat sa swimming upang ilayo ang Davao City sa mga karibal.

Impresibo si Gumban sa panalo sa unang track and field event matapos na ikutan ang lahat ng nakalaban tungo gold sa centerpiece sport sa clocking na 17 mins. at 14 secs.

Naka-7 minuto at 06.11 segundo ang anak ng isang overseas Filipino worker sa Dubai nang pa­ngibabawan paboritong steeplechase hu­ling taon niya kompetisyon na bahagi ng grassroots sports prog­ram ng Philippine Sports Commission.

“Masaya po, kasi last year ko na sa Batang Pinoy at naka-gold po uli,” sabi ni Gumba,14.