Abante Tonite Interactive

Dave Ildefonso, Bulldogs nilapa ang Tams

0 229

Kumayod si Dave Ildefonso at nilapa ng National University (NU) Bulldogs ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa overtime 85-79 Miyerkoles sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Humarabas si Dave ng 27 points, 11 rebounds, dalawang assists at isang steal para ipagkaloob sa NU ang ikalawang panalo sa siyam na laro.

Tinalo rin ng Sampaloc-based squad ang FEU sa first round, 61-39.

Katulong ni Dave si Issa Gaye na umiskor ng 16 points, 10 rebounds at isang steal, maging si John Lloyd Clemente na may 15 points, walong rebounds at isang block.

“Like what I always say, sila naman ang bida but also bida rin ‘yung entire coaching staff, the utilities,” pahayag ni NU head coach Jamike Jarin.

“We just came back to basics into this game. What was the key? What was the formula? The formula was just basic, believing.”

Kapos ang 15 points ni Barkley Eboña, at tig-11 puntos nina Royce Alforque at Wendell Comboy para sa FEU na laglag sa 4-5 record. (Janiel Abby Toralba)