Abante Tonite Interactive

Dave Moffat nahuhumaling kay Dionne

405

Kakaiba ang character actress na si Dionne Monsanto.

Kapag nagpapasilip ito ng kanyang alindog sa Instagram, hindi puwedeng ‘di ito makakuha ng maraming positive comment.

Natatangi ang hubog ng katawan ni Dionne. Kahit sa dilim at anino lang nito ang makikita, lalabas ang kanyang kaseksihan.

Kung kurbada lang naman ang pag-uusapan, lalaban ang aktres. Hindi rin matatawaran ang nagmumurang abs sa kanyang tiyan.

Kaya nga naloloka ang mga follower ni Dionne sa IG. Wala itong pinu-post na nagdyi-gym o nagwu-workout pero parang batak sa exercise ang kanyang katawan.

Nakakalusaw ang ganda ng pigura nito.

Sa sobrang init ng alindog niya, panghihinaan ng tuhod ang mga kalalakihan.
Kainggit-inggit sa mata ng mga kababaihan ang kanyang sensuality.

Kaya nga sobra-sobra pa sa “K” ang pagpu-post nito ng mga two piece photo niya.

As in may “karapatan” itong ipangalandakan ang kanyang hubad na katawan sa madla.

Ihanay mo sa mga superstar si Dionne, lalaban sa kaseksihan ang kanyang katawan.

Samantala, nali-link umano kay Dionne ang isang miyembro ng 90s band na The Moffatts na si Dave Moffatt. Ano nga kaya ang real score sa dalawa? (Rey Pumaloy)