Abante Tonite
Mabilis sa Balita

David nagpapansin sa basketball court

0 247

Hindi kabilang si PBA courtside reporter Apple David sa bubble event sa Clark, Angeles, Pampanga.

Kaya sa basketball court na lang nila sa subdivision siya nagpapaka-busy. Pero hindi nilang reporter sa laro kundi isang player.

Sa kanyang latest YouTube vlog , makikitang inaya niya ang kanyang mga kababatang boys na kapitbahay na mag-‘horse’ game basketball.

Isa-isa niyang kinatok ang dating tropa at hinamong maglaro.

Kahit bukod-tanging Eba, kumasa siyang nakipagtagisan sa grupo ng mga Adan. At hindi nagpatalo ang dalaga.

Aminado ang ESPN correspondent na palpak siya sa ilang mahihirap na tira pero nakakaungos din sa kakaiba niyang moves lalo na nu’ng mag-tumbling bago nag-shoot, na hindi halos magaya ng kanyang mga kalaban. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.