Abante Tonite
Mabilis sa Balita

David Nepomuceno

0 171

Isinilang si David Nepomuceno noong May 9, 1900, ang unang Pinoy Olympian nang mag-isang maging pambato natin sa 8th Summer Olympic Games 1924 sa Paris, France na kumaripas sa 100-meter at 200m dashes.

Sapat ang tikas at bilis ng United States Navy member upang makarating sa quarterfinals sa dalawa niyang karera sa quadrennial sportsfest.

Nakapaglahok ang ‘Pinas ng unang atleta sa kompetisyon anim na taon makaraang tanggaping kasapi ng International Olympic Committee (IOC) noong 1918.

Kagaya ng sprinter na si Fortunato Catalon, si Nepomuceno ay 1920s world class track and field athlete.

Patunay ang pagkakapos lang niya ng two-tenths of a second para mapantayan ang noo’y men’s century dash world record.

Wagi rin siya ng mga gold medal sa 1925 (100m) at 1927 (200m) sa Far Eastern Games na kilala na sa kasalukuyan na Asian Games. Naka-silver din sa 100m dash noong 1925 at bronze sa 200m noong 1927 sa nasabing paligsahan.

Namatay siya Nepomuceno noong September 27, 1939.

*** Happy 52nd birthday sa aking 1986 batchmate sa Manuel A. Roxas High School-Paco na si Rodel Morales ng 1901-T Zamora St., Pandacan, Maynila, na magdiriwang ngayong Miyerkoles, May 5.

Leave A Reply

Your email address will not be published.