Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davis aangas sa Lakers vs Clippers

0 241

Nakabalik na sa praktis si Anthony Davis at plano ng big man na sumalang sa laro ng Lakers kontra karibal sa LA na Clippers sa opening day ng NBA restart sa Orlando ngayong araw.

Miyerkoles bumalik-praktis ang partner ni LeBron James.

Martes lumiban si Davis sa ensayo dahil sa eye injury. Naka-sunglassess lang siya sa sidelines habang pinapanood ang mga kakampi.

Sabado nasundutan sa mata si Davis sa exhibition match kontra Magic. Kinabukasan nakaupo na lang siya sa scrimmage laban sa Washington Wizards.

Kinumpirma ni Davis kay Mark Medina ng USA Today na maayos na ang kanyang mata.

“That’s the plan,” sagot ni Davis nang tanungin kung makakalaro na sa opener.

Sa restart, itutuloy ng Lakers ang papel bilang No. 1 seed sa Western Conference sa 49-14, 5 ½ games sa unahan ng second-place Clippers.

Mahalaga ang panalo kontra Clippers ngayon para higpitan ang kapit sa No. 1 seed dahil tig-walong regular season games na lang ang bubunuin ng 22 teams bago ang playoffs.

Sa una niyang season sa Lakers sapul nang ma-trade mula New Orleans, nag-a-average si Davis ng 26.7 points, 9.4 rebounds, 3.1 assists, 2.4 blocks at 1.5 steals per game. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.