Abante Tonite Interactive

Davis binalibuhan ang Pelicans

0 250

Bumalik sa New ­Orleans si Anthony ­Davis para ibaon ang dati niyang team.

Sa unang laro laban sa Pelicans matapos ­siyang i-trade sa Los Angeles nitong July, nagpasabog ng 41 points si Davis para bitbitin ang Lakers sa 114-110 panalo ­Miyerkoles nang gabi.

Tinapos ni Davis ang performance sa interception sa inbound pass ni Jrue Holiday 5 seconds na lang bago ibinaon ang panelyong free throws sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Sa player introductions pa lang, hinarana na nang boos si Davis, lumalakas pa tuwing nakakahawak siya ng bola. Pero ‘di siya ­naapektuhan, ­kinontrol nila ng bagong teammate na si LeBron James ang laro sa fourth.
Nagsumite si James ng 29 points at 11 assists, naglista ng 15 markers sa final frame na dinagdagan ni Kyle Kuzma ng 9 sa kanyang 16 points at umahon ang Lakers mula 10-point deficit para kolektahin ang ninth straight win. (VE)