Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davis bumalik, wala sa porma

0 197

Kinalawang si Anthony Davis sa unang laro niya makalipas ang higit dalawang buwan.

Diyeta sa 4 points lang ang 6-foot-8 All-Star forward/center, walo ang isinablay sa 10 tira, may 4 rebounds at 1 assist sa loob ng 17 minutes.

Sadsad ang Los Angeles Lakers (35-24) sa Dallas (32-26) 115-110 sa 75th NBA regular season game Huwebes ng gabi sa American Airlines Center sa Texas.

Tambay lang si Davis sa nakalipas na 30 games ng team dahil sa right calf at heel issues.

“He’s going to need to get his legs under him as to be expected,” pahayag ni Lakers coach Frank Vogel bago ang laro.

Tatapusin bukas ng Mavericks at LA ang back-to-back.

Hindi pa nakakabalik sa Lakers si LeBron James (ankle) na posibleng isa o dalawang linggo pang garahe.

Umiskor ng double digits ang starters ng Mavs sa pangunguna ng 30 ni Luka Doncic na may 9 rebounds, 8 assists at 3 steals pa. Nag-ambag ng 19 pts. si Kristaps Porzingis bago inabot ng left ankle sprain.

Sumandal ang Lakers sa 29 pts ni Kentavious Caldwell-Pope. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.