Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davis ‘di padadaig sa Mamba jersey

0 195

Isang panalo na lang ang naghihiwalay sa pang-17 NBA championship banner, isusuot ng Los Angeles Lakers ang tribute nila kay Kobe Bryant sa Game 5 kontra Miami ngayong araw.

Gagamiting muli ng 3-1 Lakers ang dinisenyo ni Kobe na Black Mamba jerseys.

Plano ng LA na isuot ang special uniform sa Game 7, pero desididong tapusin na ang serye.

“The Lakers have decided to wear the Mamba jerseys on Friday night. Originally were scheduled to wear them in Game 2 and Game 7. They’ll still wear them in Game 7 if it happens,” tweet ni Tim Reynolds ng AP.

Hindi puwede sa Game 6 sakaling masilat ang Los Angeles, dahil black ang uniform ng Heat sa larong ‘yun.

Suot ng Lakers ang black na may gold trim na Mamba jerseys sa 124-114 Game 2 win. Overall, 4-0 sa playoffs ang LA kapag suot ang Black Mamba jerseys.

“We never want to lose in these jerseys,” giit ni forward Anthony Davis.

Unang ginamit ng Lakers ang Mamba jersey noong 2018 season. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.