Abante Tonite Interactive

Davis, James tinalbos ang Mavs

263

Nangibabaw ang Los Angeles Lakers tandem nina LeBron James at Anthony Davis laban sa Dallas Mavericks duo nina European stars Luka Doncic at Kristaps Porzingis Biyernes ng gabi.

Ibinaon muna ni ­Danny Green ang buzzer-­beating 3 sa regu­lation at nakapuwersa ng overtime ang Lakers.

Sa extra period, si James naman ang nagsalpak ng panelyong tres bago hinarap ang crowd sa Dallas at walang kurap na tumitig sa TV crew sa center court

Binasag ni Davis ang OT sa back-to-back dunks at nagtuloy ang Lakers sa 119-110 ­panalo.

Parehong nagsalansan ng triple-double sina James at Doncic.

Naglista si James ng season-high 39 points, 10 rebounds at 16 ­assists.
Tumapos si Doncic ng 31 points, 13 boards, career-high 15 assists at ilang tahi sa likod ng ulo.

Bagsak si Doncic sa final minute ng regulation nang makipagbanggaan kay teammate Dorian Finney-Smith habang hinahabol ang loose ball. Tinahi ang sugat niya tapos ng laro.

Pinakawalan ni Doncic ang huli niyang assist kay Finney-Smith para sa go-ahead 3 sa final minute ng regulation. ‘Di nakadiskarte sa kabila ang Lakers, pero isa lang sa dalawang free throws ang ipinasok ni Dwight Powell tungo sa three-point lead ng Mavs bago ang tying corner 3 ni Green mula sa 14th assists ni James.

Ayon sa NBA, sina Doncic at James ang youngest at oldest ­players sa NBA history na nagsumite ng triple-doubles na kinapalooban ng at least 30 points at 15 assists sa iisang laro.

Kinumpleto ni Doncic, 20, ang 10th career triple-double para pahabain ang record sa may pinakamarami nito sa players na under 21. Pangatlo sa listahan si James na may lima, 82 overall sa career. (VE)