Abante Tonite Interactive

Davis kinulambuan si Griffin

By
4,393

Hiniya ni Anthony Davis at ng New Orleans si Blake Griffin at ang Detroit Lunes ng gabi sa bagong Little Caesar’s Arena ng Pistons.

Pasabog ng 38 points at 10 rebounds si Davis para bitbitin ang Pelicans sa 118-103 panalo laban sa Pistons.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang maglista si Davis ng career-high niyang 59 points laban sa Detroit din.

Nasa Pistons na si Griffin, hindi pa rin sila pinaporma ni Davis.

Kinulambuan nina Andre Drummond at Griffin si Davis para subukang pigilin ang opensa, hindi rin sila umubra.

Sa loob, galing perimeter pasugod sa basket, o tira sa labas – kinain ni Davis nang buong-buo ang dalawang defenders.

Mula sa field ay 14 of 24 si Davis, 3 for 6 sa labas ng arc.

Matikas ding 22 points ang kinubra ni Griffin mula 8 of 17 shooting, nagsumite si Drummond ng 13 points at 12 rebounds.

Binalasa ang lineup ng Pelicans nitong Lunes, inilagay sa starting lineup ang 10-day contract signee nilang si Emeke Okafor at ibinaba sa reserve ang trade acquisition na si Nikola Mirotic.

Suwabe ang balasa, solidong eight points, six rebounds ang sinumite ni Okafor, kinamada ni Mirotic ang best game niya bilang Pelican sa 21 points at 12 rebounds.

Mahigit 4 minutes pa sa laro ay umagwat ng 16 ang New Orleans sa 3 ni Darius Miller. Maya-maya, ipinasok na ng Pistons ang reserves tanda ng pagsuko. (VE)