Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davis pinaamo Bulls

0 83

Madaling ipinagpag ng Los Angeles Lakers ang Chicago Bulls 101-90 sa 2020-21 NBA regular season game Sabado ng gabi sa United Center sa Illinois.

Petik-petik na lang si LeBron James nang magpundar ang Lakers ng 63-33 lead sa break at nagtuloy para kolektahin ang pangsiyam na sunod na road game win at 13-4 overall win-loss record sa sumadsad na karibal sa 7-9.

Tumabo si Anthony Davis ng season-high 37 points, nag-ambag si James ng 17 points, 11 rebounds at 6 assists.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umiskor si Davis ng 26 sa first half – highest scoring half ng isang Laker ngayong season.

Nagsumite si Zach LaVine ng 21 points at 10 rebounds pero naputol ang three-game winning streak ng Chicago. May 14 at 7 si Coby White.

Nagkasa ng 14-2 run ang Bulls sa dulo ng third quarter para dumikit 79-66, pero sumagot ng back-to-back baskets si Davis para muling ilayo sa 17 ang LA papasok ng fourth. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.