Abante Tonite Interactive

Davis pinasaringan ng Pelicans coach

347

Nakahanap din ng paraan si New Orleans Pelicans coach Alvin Gentry para kilitiin si Anthony Davis.

Masaya si Gentry na nakakuha ng marami-raming first-round picks sa nakaraang NBA Draft, una si Zion Williamson bilang top pick overall.
Meron pa silang No. 8 (Jaxson Hayes) at No. 17 (Nickeil Alexander-Walker). At sina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Josh Hart mula Lakers kapalit ni Davis.

Nang matanong si Gentry tungkol sa mga players at picks na nakuha, malaman ang sagot ng coach:

“That’s a haul folks!”
Sa regular-season finale ng Pelicans noong April, dumating si Davis na nakasuot ng Porky Pig-inspired “That’s All Folks!” T-shirt.

January ay nag-request na si Davis na magpa-trade. At marami ang nag-konek na ang T-shirt na ‘yun ay patama sa Pelicans dahil tapos na ang termino niya sa team, huling laro na niya suot ang New Orleans jersey.

Pero pinaliwanag din noon ni Davis na ‘di niya sinadya ang T-shirt.

“I didn’t choose it,” lahad niya noon sa ESPN. “I actually didn’t choose it. It was hanging for me already when I put my clothes on.”

Paborito aniya ang Looney Tunes cartoons. Kapag tapos na ang bawat clip, ang extro siyempre ng Looney Tunes ay “That’s All Folks!”

Alam na ng lahat na pirmahan na lang ang kulang, sa Lakers na si Davis kapalit nina Ball, Ingram at Hart, at first-round picks.

Magkakasama na sina Davis at LeBron James sa Lakers sa susunod na season.
May ulat din na may role si Davis sa parating na movie ni James, ang Space Jam 2 na sequel sa ginawa dati ni Michael Jordan. (VE)