Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Davis puwedeng mapako sa Lakers

0 191

Nakaabang ang lahat sa magiging desisyon ni Anthony Davis: Move on, o stay put sa Los Angeles.

Papunta ng free agency si Davis.

Tinanggihan ng Lakers star ang kanyang $28.7M player option noong nakaraang linggo pa para maging unrestricted free agent, ayon sa ulat ni Chris Haynes ng Yahoo Sports.

May isang taon pa si Davis sa five-year, $127M deal na pinirmahan niya sa New Orleans Pelicans noong 2016, may option para maging free agent ngayong offseason para bumitaw sa final season.

SM food to go Banner Ad

Dahil unrestricted, puwede siyang lumanding kahit saan.

Dahil maayos naman ang samahan nila sa Lakers na kampeon ng 2019-20, puwedeng pumirma si Davis ng panibagong kontrata para manatili sa LA.

Ngayong araw ay puwede nang magpirmahan ang mga galing free agency.

Nag-average si Davis ng 26.1 points at 9.3 rebounds noong nakaraang season para tulungan ang Lakers sa 17th NBA title. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.