Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DavOcc PIO nilipat sa NCAA

0 166

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Oscar Casaysay bilang executive director ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA).

Ang appointment ni Casaysay ay inanunsiyo ng Malacañang nitong Lunes sa pamamagitan ng inilabas na pahayag ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles.

“The Palace confirms that President Rodrigo Duterte signed the appointment of Mr. Oscar Casaysay as NCCA executive director,” ani Nograles.

Si Casaysay ay Public Information Officer ng Davao Occidental.

Umaasa ang Palasyo na isusulong ng bagong opisyal ng NCAA ang mga pagbabago at pagpapaangat sa sining at kulturang Pilipino at panatilihin ang halaga nito sa puso at isip ng mga Pinoy.

“We wish Executive Director Casaysay all the best in his new undertaking as he leads NCAA in the preservation, development and promotion of Phi­lippine arts and culture,” dagdag ni Nograles. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.