Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dawa sa Usapang Ruweda ng Abante Radyo

0 220

May bagong panonoorin ang mga sabungero dahil naipalabas na kahapon ang unang episode ng Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda”.

Ang host ng programa ay ang kolumnista ng Dalusapi sa pahayagang Abante na si Elech Dawa.

Mapapanood ng live ang Usapang Ruweda tuwing Linggo mula ala-1:00 hanggang alas-2:00 nang hapon sa Facebook page ng Abante, YouTube at sa Abante Online page.

Tinalakay sa unang episode ng beteranong sportswriter kung sino-sino ang maaaring maging panauhin rito, gaya ng mga breeder, gaffer, kristo at marami pang iba.

Hinayag din niyang hindi welcome sa radio show ang mga “igtad” at mananabit na salot ng sabungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.