Abante Tonite Interactive

Dawit ang BTS: Mga netizen nabastusan kay Arci

999

Hindi nagpatalo at nakipagtarayan si Arci Munoz sa mga basher niya sa Instagram na pumuna sa pagbibiyahe-byahe niya pati na sa pagsunod-sunod niya sa mga concerts ng fave niyang South Korean boy group na BTS.

Nag-post kasi si Arci ng larawan ng cityscape ng New York at nilagyan niya ng caption na “The city that never sleeps but always dreams!!”

Tanong ng isang netizen, “How do you afford all these? Traveling every now and then, and fallowing them boys.”

Sagot ni Arci, “I work my ass off. Duh?!”

Pinuna ng ilang netizens ang paraan ng pagsagot ni Arci na very rude raw gayung hindi naman daw masama ang tanong sa kanya.

Sumagot naman ang netizen ulit at nadamay na ang pagiging fan niya ng BTS.

“Attitude of an AVID FAN OF BTS .. THE WAY SHE WAS..” anang netizen.

Nag-comment ulit si Arci at nilinaw niyang pinaghirapan niya ang perang ginagastos at may karapatan siyang gawin ang makakapagpaligaya sa kanya.

“Lemme get this straight. It’s my goddam hard earned money I do whatever I want with it. Bts makes me soooo happy. And so I do whatever makes me happy. Now, tell me how my answer seems so bad to ya?! Huh?! Tell me?!” komento ni Arci.

Sumagot naman ulit ang netizen ng “not being Negative, “I’m blessed and happy that I can travel and to afford to watch BTS,, simple pero sya ang nega to understand the questions.. DuH… avid fan #ARMY??? hell yea!!!”

Army ang tawag sa mga fans ng BTS.

May isa pang netizen na sinabihan si Arci na dapat daw ay sumagot ito nang disente naman.

“Hi ma’am no one said don’t do these things that makes you happy. That person is just “Asking”, the question itself shows amazement from you being a motivational Army for other PH Armys. You should answer decently ma’am, atleast,” mensahe ng netizen kay Arci.

Marami rin naman ang nagtanggol sa aktres at anila ay okay lang naman daw na sumagot sa mga baliw na basher na walang magawa sa buhay kungdi ang mang-bash ng artista.

Liza, Enrique todo ang ka-sweetan

Kung ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) ay nasa gitna ng break-up controversy, namumutiktik naman sa sweetness ang LizQuen na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Makikita mo sa mga Instagram posts nila na parati silang magkasama at mukhang going stronger than ever ang kanilang relasyon.

Last Jan. 4 ay nagdiwang ng kanyang ika-22 kaarawan si Liza at binigyan siya ng napaka-sweet na birthday greeting sa IG ni Quen. Pahayag ng aktor, ang girlfriend daw ang pinakamagandang babaeng nakilala niya at pakiramdam niya ay nananaginip siya.

“Happy birthday my love ❤️ you truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love and just i hope that me and the world can somehow give all of that love back to you.

“You’re not just drop dead gorgeous babe you’re the most beautiful human being I’ve ever met.

“Sometimes it’s just too good to be true. So don’t wake me from this daydream and just keep on smiling, stay happy enjoy life and be as buang as you are haha i love you so much! happiest birthday love,” ang pagbati ni Quen sa girlfriend.

Sinagot naman ito ni Liza ng powerful three-letter word na “I love you.”

Pero hindi rin naman nagpahuli ang manager ni Liza na si Ogie Diaz dahil napaka-sinsero rin ng kanyang pagbati, punong-puno rin ng pagmamahal at ang lamang lang ng mensahe niya kay Quen, mas mahaba ito.

“Ito ang pinakagusto kong picture sa dami ng pics ko with @lizasoberano. Very memorable kasi ito, dahil first pic namin ito nung 2012.

“Napakasimpleng bata. Gusto niyang mag-modelo noon, pero mas kinumbinsi namin siyang mag-artista.

“Ilambeses kong pinabalik-balik si Liza to see me kasi gusto ko magpaliit pa siya nang konti at sunud naman talaga nang sunod si Liza sa kada iutos ko para din sa enhancement niya bilang baguhang artista.

“Nakakatuwa siyang bata kasi matiyaga siya, hindi nainip at marunong maghintay.

“Si @duduunay ang naka-discover at si Tita @jonilyncastillo naman na tita niya ang number one believer ni Liza at malakas ang kutob na may mararating ang pamangkin niya, kaya tinutukan din niya.

“Yung ugaling mabait, andun pa din. Yung priority ang family, andun pa din. Yung mahal na mahal ang lola niya, andun pa din. Yung hindi nagpi-primadona, humility ang lumulutang.

“Kaya ako na mismo mag-aangat sa kanya. Hindi dahil alaga ko siya, kundi ganun naman siya talaga.

“At kaarawan niya today, kaya happy, happy bday, Hopie! Salamat. Maraming-maraming salamat sa kabaitan mo. At utang ko sa yo kumbakit buhay na buhay ang premature baby kong si Meerah Khel. Alam mo na kumbakit.

“Love you, anak. You deserve only the best this 2020! Continue to be a blessing to your family and other people! Mahal na mahal ka ng pamilya ko,” ang touching ang heartwarming message ni Ogie kay Liza.

Tonite – Wendys Inhouse Ad