Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dawit si Valerie: Angel tumalak sa imbentong tsismis

0 74

NI: VINIA VIVAR

Hindi inurungan ni Angel Locsin ang basher na nagkomento ng hindi maganda tungkol sa kanyang nakaraan.

Nag-react kasi si Angel sa Instagram post ng ABS-CBN News tungkol sa balitang sinampahan ng U.S. prosecutors ng kasong sex trafficking si Apollo Quiboloy.

“Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita,” ang reaksyon ni Angel sa comment section.

May netizen na sumagot at inakusahan si Angel na dating tumatakas sa taping para makipagkita sa boyfriend.

“@therealangellocsin Ay wow. Malinis ka? E diba ikaw yung tumatakas sa taping dati sa GMA para makipagkita sa dyowa mo ? Tanong pa natin si Valerie Concepcion,” sabi ng basher.

Inalmahan ito ni Angel at sinabihan ang basher na huwag mag-imbento.

“huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan. Tag ko pa si @v_concepcion o 🙂 hindi ko ikamamatay yang chismis mo [smiling face with smiling eyes emoji] mag dasal ka,” matapang na sagot ni Angel.

Maging si Valerie ay sumagot din at pinayuhan si Angel na huwag na itong pansinin.

“Naku mare @therealangellocsin. Obvious na troll lang yang ____ na yan. Wag mo na lang pansinin. Ang layo sa issue ng comment eh.. Mema lang,” komento ni Valerie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.