Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dawn keber sa puting buhok

0 105

NI: ALWIN IGNACIO

Marami ang natutuwa na si Ms. Dawn Zulueta, niyayayakap ng mahigpit ang kanyang pagiging golden girl.

At paano niya ipinapakita ito? Sa IG page ng aktres na 51 years old na, may mga larawang makikita na lumalabas na ang kanyang mga ubam at tila wala itong balak pang pakulayan.

She is growing her silver hair ang kanyang drama at ang pangmalakasan niyang pahayag na “silvers are for everyone to enjoy wearing” ay isang positibong patotoo that this beautiful lady na ang counterpart talaga ay si Richard Gomez. Is aging gracefully.

In this day and age na marami talaga ang gagawin ang lahat, itago lang ang kanilang mga uban, ang pagpapakita at pagyakap ni Dawn sa kanyang kahit maputi na ang buhok ko phase, maraming mga kababaihan tiyak ang lugod-lugod na.

Imagine, kung lahat tayo eh tatanggapin na talagang paputi na ang buhok natin and we make it as a statement na we are living well at talaga namang pribilehiyo na you have reached your golden years and you have your silver hair, plus your lines and wrinkles that you earned, na you are living your life to the fullest, hindi kaya humina sa merkado ang hair coloring treatments?

Si Dawn Zulueta ay laging sinasabing isa sa pinakamagandang artista sa showbiz at pagpapakita niya sa ating lahat na she is comfortable with her silver hair, maganda ang epekto nito sa mga taong may agam-agam kung ikagaganda ba nila ang pagputi ng hibla ng kanilang mga buhok.

Thanks Ms. Dawn for reminding us na the best ingredient to lasting beauty is loving yourself.(Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.