Abante Tonite Interactive

Dawn may buwelta kay Chienna

0 435

Kamakailan lang ay umamin ang GirlTrends member na si Chienna Filomeno sa “Tonight with Boy Abunda.” Ito ay hinggil sa pag-aaway na nangyari sa pagitan nila ng kapwa miyembro na si Dawn Chang at Erin Ocampo.

Matapos ang rebelasyon ni Chienna ay dumagsa ang haters sa nakaalitan niya, lalo na kay Dawn.

Samantala, nag-post ang Pinoy Big Brother 8 host tungkol sa mga nag-nega sa kanya.

Caption niya sa kanyang larawan sa Instagram, “Negative and toxic people will drag you down with their insults, criticism and put downs. Try not to stoop to their level. It is their own insecurities that drive their behaviour and it has nothing to do with you. Move on and away from that negativity.”

Sa kabila ng mga basher ni Dawn ay mayroon pa ring nananatili sa kanya para ipagtanggol siya.

May nag-comment ng, “You are a strong woman, you’re paving your way on your own without stepping on anyone.”
Samantala, ang tugon ng host sa nagtanggol sa kanya ay mukhang may kinalaman sa naging pahayag ni Chienna sa TWBA.

Aniya, “It’s okay Ki, people will believe whatever they want to believe in.

I don’t have to justify anything. We know the truth!” (Ronaline Avecilla)